THE MOUNTAIN OF DESIRE (Part 1- Ang Agwador)
Sa paanan ng bundok Arayat lumaki at nagkaisip si Totong, At nang magbinata siya ay natuklasan nya ang pagkamulat sa kamunduhan sa pagdating ng kapatid ng tatay nya na nagbigay kaganapan sa kanyang pagnanasa.
Nakasaklay sa balikat ang pingga na may balde na lata sa magkabilang dulo, ay pasipol- sipol pa si Totong, habang binabagtas nya ang pakiwal-kiwal na daan pababa. Isang umaga iyon sa bahagi ng bundok Arayat. Mag-iigib siya ng tubig. Iyon ang gawain nya kapag hindi siya tumutulong sa kanilang pataniman ng gulay.
May kalayuan din ang pinagkukunan ni Totong ng tubig na tinatawag nilang Patulo. Ito ay nasa ibaba ng bundok na kanilang tinitirhan. Lubhang malayo sila sa kabayanan. Dalawang oras ang kailangan nilang iakarin para makarating sa highway, at makasakay ng jeep papunta sa bayan ng Porac sa Pampanga.
Ang pamayanan nila ay tinawag na ancestral land para sa mga Aeta. Pero hindi sila kabilang sa tribu. Napadpad sila dito mula ng maliit pa si Totong at dito na sila nanirahan sa kabundukang ito na sakop ng Arayat.
Nagpahinga sandali si Totong at inilagay ang dalawang balde na wala pang laman sa isang tabi at nakaramdam siya ng panunubig. Pumakabila lang siya sa nakayungyong na maliit pang puno ng niyog at mabilis na iniraos ang panunubig.
Tags
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





